Carlo, Angelica may ‘sumpaan’ na kapag walang nahanap na dyowa


ISANG mainit na yakap ang ipinatikim sa amin ng aktor na si Carlo Aquino nu’ng magkita kami sa presscon ng bagong movie niyang “Meet Me In St. Gallen” with Bela Padilla sa direksyon ni Irene Villamor.

Ang “Meet Me In St. Gallen” ay mula sa producers ng blockbuster movie na “Kita Kita” last year, ang Spring Films at Viva Filmsat showing na ngayon.

Nakaka-happy to know that Carlo is back as leading man of one of the hottest female stars now na si Bela. Although, may bida roles din siyang ginawa kasama ang ibang aktor sa mga indie films gaya ng “Bar Boys” last year, itong latest film niya ang talagang magle-level sa kanya sa tunay na leading man status.

“Masarap,” kasunod ang buntong-hininga niya. “Masarap ‘yung feeling. Masaya pero kahit paano may pressure lalo na galing sa ‘Kita Kita.’ Pero ‘yun ang isa sa pinakamaganda sa Spring Films, e, hindi nila ipinaramdam sa akin na kailangan maging big hit din ito. ‘Yung proseso nang paggawa ng pelikulang kalmado lang. ‘Yung alam nila na mahal mo ‘yung trabahong ginagawa mo.”

Sweet and expressive but a man of few words din si Carlo. Kaya dinadaan na lang sa pangiti-ngiti at patawa-tawa kapag natatanong tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya ngayon.

Durog ang puso ni Carlo nu’ng ginagawa nila ni Bela ang “Meet Me In St. Gallen.” Kakahiwalay lang kasi niya sa kanyang non-showbiz girlfriend for almost seven years na si Kristine Nieto. Kaya nu’ng nag-shooting sila sa Switzerland for five days, hindi nakaligtas sa mga mata ni Bela ang kanyang pananahimik.

Kwento ni Bela, napansin niya ang pagkuha ng piktyur ni Carlo sa mga building sa Switzerland. Natawa namang bigla si Carlo sa pambubuking ni Bela.

“Hindi ko napansin ‘yun. Hindi ko alam ‘yung ginagawa noon. Baka lang in character ako nu’ng time na ‘yon,” depensa niya.

May nagsasabi naman na mas lalo pang lumutang ang acting ni Carlo sa “Meet Me In St. Gallen” batay sa ipinapalabas na trailer ng movie, “Ah, talaga ba? So, kailangan palagi ako nakikipag-break,” biro niya.

Sa mga naging nobya ni Carlo noon, wala pa raw siyang binalikan na ex-girlfriend. Pero marami ang umaasa na maging sila ulit ni Angelica Panganiban, “Hindi ko pa naranasan makipag-balikan sa ex ko. Wala pa.”

Nagpasalamat naman si Carlo kay Angelica sa sinabi ng sexy actress na kung meron siyang babalikan na ex-boyfriend niya, si Carlo ang pipiliin niya. Kaya binato rin namin ang tanong kay Carlo kung si Angelica rin ba ang pipiliin niya na makabalikan among his past girlfriends.

“Malamang siya rin,” namumulang sagot niya.

May usapan na rin daw sila ni Angelica na kapag dumating ang panahon that they found each other again na parehong walang karelasyon, magbabalikan sila.

“Oo, ginaganu’n niya ako. Sinasabi niya, kasi nagkita kami isang beses sa ABS. Sabi ko, ‘Wow, hanep. Ang ganda, ha.’ ‘Eto ‘yung pinakawalan mo,’ sabi niya. Sagot ko naman sa kanya, ‘Oo nga, oo nga,” kwento ni Carlo.
q q q

Produkto rin pala ng isang beauty pageant ang aktres na si Angel Locsin. That we’ve learned from the organizers ng Miss Caloocan 2018 sa press presentation na ginanap sa Bulwagang Katipunan sa bagong Caloocan City Hall.

Naging Miss Caloocan ang aktres gamit ang tunay niyang pangalan na Angel Colmenares. Bukod kay Angel, naging Miss Caloocan din daw si Aubrey Miles at ang dating kongresistang si Mitch Cajayon.

Ilan sa mga kandidata ng Miss Caloocan 2018 ang nagsabi na hangad din nila ang mapasama sa hanay nina Angel at Aubrey na nakapasok sa showbiz. And in fairness, nakaka-impress ang sagot ng mga kandidata sa mahihirap na tanong ng mga reporter, huh!

Taun-taon ay nagsasama-sama ang pinakamagagandang dalaga sa Caloocan para lumahok sa prestihiyosong Miss Caloocan pageant.

This year, gaganapin ang 67th annual search for Miss Caloocan and the 5th year under the leadership of Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa pamamahala ng kanilang Cultural Affairs Tourism Office in cooperation with Caloocan and Toursim Foundation.

Nagkaroon naman kami ng chance na makausap ang punung-abala sa pa-event ni Mayor Oca na Miss Caloocan, walang iba kundi ang bunso niyang anak na si Kat Malapitan-Mendoza.

Sa rami ng ginagawang pagbabago at pagsulong ng mga proyekto ni Mayor Oca sa Caloocan, may mga pagkakataong nagkakapatung-patong na ang mga ito. Kaya to the rescue lagi ang kanyang pamilya sa kanyang proyekto.

This is the reason kaya ang kanyang bunsong si Kat ang pinamahala niya on his behalf with the support and coordination na rin ng CATO.

Kwento pa ni Ms. Kat, empleyado raw sa CATO ngayon ang kauna-unahang Miss Caloocan na kinoronahan noong 1980.

Magaganap ang grand coronation night ng Miss Caloocan 2018 sa City Sports Complex on Feb. 24 at may live telecast ito sa TV5.

Read more...