‘Nakakabilib ang magic ni Kris sa mga advertiser!’

 

KRIS AQUINO

IN HER usual fashionably chic stance, natisod namin sa Facebook ang recent contract signing ni Kris Aquino—clad in shade of blue—ng kanyang panibagong endorsement.

This is on top of her existing agreements, na nagdulot sa amin ng pinaghalong pagtataka at pagkabilib kay Kris.

Iisa lang ang ‘ika nga’y puno ng dalawang “bungang” ito. Puzzling kasi sa amin ang pagbuhos (still in torrents) ng mga trabaho kay Kris na kinabibiliban namin despite her absence on commercial TV, kundi sa social media lang.

We remember having once asked a veteran talent manager kung ano ba ang ginagamit na yardstick ng mga advertisers sa pagkuha ng celebrities to endorse the products and/or services ng kanilang mga kliyente.

“Visibility on TV,” was her quick reply. ‘Yun ‘yong mga panahon when Kris had regular TV shows making it easier for the clients nga naman to get the results they wanted and expected of their products in the market.

Isa-isang nangawala ang mga programa ni Kris, but we couldn’t slightly remember kung nabawasan ba ang kanyang endorsements when her airtimeon TV was up. Ironically, mukhang nadagdagan pa or may iba pang nagsulputan.

A bit perplexed, minsan na rin naming hiningan ng opinyon ang isang tao who’s in the know. Ang tugon niya sa wikang Ingles, “Kris is one celebrity who can turn negative issues about or pertaining to her into something (monetarily) positive. Whether we like it or not, she’s advertiser-friendly.”

Read more...