P300M jackpot ng Ultra Lotto

    Inaasahang aabot sa P300 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes.
    Ito ay matapos na hindi mapanalunan ang P290.8 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola Martes ng gabi kung saan lumabas ang winning number combination na 57-53-39-50-35-18.
      Walo naman ang nanalo ng tig-P264,870 matapos makuha ang limang numero.
    Tig-P3,010 naman ang 563 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 13,273 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...