Pang-ookray ni Karla kay Chokoleit nakaka-offend

KARLA ESTRADA AT CHOKOLEIT

HOW true kaya ang tsismis na pinagsabihan ng ilang ehekutibo na namamahala sa Magandang Buhay ang host nitong si Karla Estrada tungkol sa reaksyon ng ilang viewers sa diumano’y “pambabastos” nito sa guest nilang si Chokoleit?

“Hindi naman pa-meeting ni Mayor ang epek, pero mas matigas ang pagpaparating ng mensahe kay Queen Mother,” pakli ng aming source.

Marami raw kasi ang nabastusan kay Karla noong halos paalisin nito sa show si Chokoleit na kilalang kaibigan ni Pokwang. Pinag-uusapan kasi sa show ang pagkakaroon ng magandang baby ni Pokey, sabay banat daw ni Karla kay Chokey na mabuti na lang at hindi sa tulad niya nagmana ang bata, or words to that effect.

Para naman sa magkakaibigang Chokoleit, (and for sure ni Pokwang), Karla at co-hosts ng show na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, talagang ganu’n naman daw magbiro si Queen Mother sa kanilang morning show.

“Siguro ay marami lang mga hindi nakakaalam sa samahan ng mga bading at ng nanay ni Daniel Padilla, kaya feeling nila ay nambastos ito ng guest.

But still, bilang respeto sa mga na-offend, ipinarating pa rin kay Karla ang reaksyon ng viewers na positibo namang pinakinggan ng TV host-actress.

Read more...