Aktor tsinugi sa monumental film dahil sa pinasukang iskandalo

NAKAKALOKA pala ang nangyari sa actor na ito na naging scandalous ang buhay sa social media.

Kabilang pala siya sa isang monumental indie film about a hero. Natapos na niya ang kanyang mga eksena sa movie. Maganda ang kanyang mga scenes at markado ang kanyang role. Actually, nakagawa pa siya ng isang short film na maganda at markado rin ang kanyang papel.

But all these went to naught. Tinanggal siya sa movie when the movie producers learned his shenanigans sa social media. Nalaman kasi ng producers na mayroon siyang niyayang makipagdyugdyugan na isang babae. With that, pinalitan na lang siya kahit natapos na niya ang movie.

Actually, nagkaroon pa ng malaking gastos ang producer dahil kinailangang i-reshoot ang lahat ng kanyang eksena. Imagine, they had to reshoot all his scenes, eh, di panibagong gastos ‘yon.

Read more...