Sharon, Gabby ‘nagbalikan’ sa loob ng fast food chain

SHARON CUNETA AT GABBY CONCEPCION

HINDI man natuloy ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, aba, bidang-bida naman sila sa bagong TV ad ng isang giant fast food chain.

Namataan sina Sharon at Gabby na nagsu-shoot sa isang branch ng nasabing food chain. Mula sa isang Arnold Padama ang pictures na naging isa sa security na nagbantay sa shoot na inilabas ng GMA Entertainment sa kanilang Twitter.

Face to face sa isang table sina Sharon at Gabby habang inaayusan ang Megastar. Naku, after Robin Padilla, puwede nang isunod ang balik-tambalan sa pelikula nina Mega at Gabo ngayong nagsama na sila sa isang bagong project, huh!

Wala pang post si Sharon sa kanyang social media account tungkol sa reunion nilang ito ni Gabby.

Read more...