Ilocos niyanig ng magnitude 4.7 lindol

  Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.7 ang Ilocos Norte kaninang tanghali.
   Alas-12:59 ng hapon ng maramdaman ang lindol, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
   Ang sentro ng lindol ay anim na kilometro sa kanluran ng Bacarra. May lalim itong 42 kilometro.
   Naramdaman ang Intensity III sa Laoag City, at bayan ng Paoay.

Read more...