Katrina: Ayokong sampalin ako ng anak ko!

KATRINA HALILI AT KATIE

ILANG beses nang tumanggi ang primera kontrabida ng GMA 7 na si Katrina Halili sa blind date.

Mas gusto raw ng Kapuso single mom na mag-stay na lang sa bahay at makipag-bonding sa kanyang anak na si Katie kesa makipag-date sa lalaki. Pero siyempre, gusto rin niyang magkaroon ng partner someday, “Siguro, kapag mga 35 na ako, bata pa naan ‘yun, di ba?” Kaka-32 pa lang ni Kat kaya may three years pa siya para i-enjoy ang kanyang pagiging single.

Nakachikahan ng members ng entertainment media si Kat sa nakaraang presscon ng The Stepdaughters, ang bagong afternoon series ng GMA kung saan makikipagbakbakan siya ng kaseksihan at aktingan kay Miss World Megan Young.

Naikuwento rin ng Kapuso kontrabida na simula nang maghiwalay sila ng tatay ni Katie na si Kris Lawrence, kinarir na niya ang pagiging ina.

“Nu’ng dumating si Katie sa buhay ko, gusto ko kapag nagkaroon ako ng relasyon, siya na, yung pag-forever na. Gusto ko kasi na maging role model din ako ng anak ko pagdating sa pakikipagrelasyon.

“Kasi di ba, kapag dalaga na ang anak ko, tapos magpapaligaw-ligaw, magdadala-dala ng lalaki sa bahay, tapos sasabihin, ‘Bakit? Ginagawa mo rin, di ba?’ Ayokong ganunin niya ako.

“Simula nu’ng nagka-Katie na ako, naging behaved talaga ako sa lahat ng kilos ko, sa sinasabi ko, sa ginagawa ko, talagang iniingatan ko (image). Ayokong masampal sa akin (yung ginagawa ko),” paliwanag pa ni Katrina na muli na namang magsasabog ng kasamaan sa GMA Afternoon Prime na The Stepdaughters.

Magsisimula na ito sa Feb. 12 kung saan makakasama nga niya si Megan na pahihirapan niya nang todo bilang kanyang stepdaughter, at si Mikael Daez na pag-aagawan nila sa kuwento. Ka-join din sa cast sina Samantha Lopez, Angelu de Leon, Gary Estrada, Allan Paule, Sef Cadayona, Glydel Mercado, Dion Ignacio at marami pang iba.

Read more...