P290M jackpot ng Ultra Lotto bukas

Inaasahang aabot sa P290 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa P282.3 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo.
    Ang lumabas na winning number combination sa huling bola ay 48-57-13-51-02-15.
    Nagkakahalaga ng P41.9 milyon ang itinaya sa naturang bola.
    Nanalo naman ang 12 mananaya ng 174,750 bawat isa matapos makuha ang limang numero.
    Tig-P2,530 naman ang 662 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 17,254 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...