Alamin mga pagkaing kontra cancer


MARAMI ang naniniwala na ang kanser ay dulot ng kinakain ng tao o klase ng pamumuhay nito o lifestyle.

At kung totoo ito, ibig sabihin ay nasa kinakain din kung papaano maiiwasan ang kanser, di ba?

Merong mga pagkain na pinag-aralan at lumalabas na nakatutulong para mabasan ang risk para magka-cancer.

Bawang

Ang bawang ay mayroong sulfur compound na maganda sa natural defenses ng immune system kaya kalaban ito ng kanser.

Nakitaan din ito ng potensyal na bawasan ang paglaki ng tumor.

May pag-aaral na nagsasabi na ang bawang ay nakatutulong ng malaki sa stomach cancer.

Broccoli

Ang Broccoli ay mayroong sulforaphane na nagpapalakas ng protective enzymes ng katawan at naglalabas ng mga kemikal na nagdudulot ng kanser.

May pag-aaral din na nagsasabi na tinatarget ng sulforaphane ang cancer stem cells na nagpapalaki naman ng tumor.

Pero dapat umano ay i-steam lamang ang Broccoli at huwag lutuin sa microwave.

Brazillian nuts

Ang Brazillian nuts ay mayaman sa selenium na kayang sumira ng cancer cells at tumutulong sa pag-ayos sa nasirang DNA.

Ang mga lalaki na may mataas na lebel ng selenium sa dugo ay mas maliit ang tyansa na magkaroon ng prostate cancer.

Lemon

Bukod sa Vitamin C, ang lemon juice ay mayroong property na sumisira sa malignant cell.

Ang lemon ay kasing epektibo o bahagyang mas epektibo pa sa chemotherapy. Hindi nito naaapektuhan ang mga healthy cells hindi gaya ng chemotherapy.

Blueberry

Ang blueberry ay mayroong antioxidant na nakakapag-neutralize ng free radicals na nakakasira ng mga cells at maaaring magresulta sa cancer.

Ang maganda sa blueberry hindi nababawasan ang antioxidant property nito kahit na i-freezer.

Sa pag-aaral, bumababa ang tyansa na magkaroon ng breast, colon, bladder, lung, esophagus, skin at small intestine cancer ng tao na mahilig kumain ng blueberry.

Artichokes

Ang artichokes ay mayaman sa silymarin na isang antioxidant at nakakatulong upang makaiwas sa skin cancer.

Bukod dito ang silymarin ay maganda rin sa liver.

Isda

Batay sa pag-aaral, ang mga tao na kumakain ng apat o higit pang serving ng isda kada linggo ay mas mababa ang tyansa na magkaroon ng kanser sa dugo gaya ng leukemia, myeloma, at non-Hodgkin’s lymphoma.

Lumalabas din sa pag-aaral na ang pagkain ng mga fatty fish gaya ng salmon, mackerel at tuna ay nakakapagbaba ng tyansa na magkaroon ng endometrial cancer ang isang babae.

Kiwi

Ang Kiwi ay mayroong cancer-fighting antioxidants at mayaman din sa vitamin C at E kaya nagpapalakas nito ang immune system.

Ang Kiwi ay may flavonoids at carotenoids na nagbibigay ng proteksyon sa DNA mula sa pagkasira o oxidative stress na nagreresulta sa kanser. Maganda ito laban sa liver, stomach, breast at lung cancer.

Apple

Kapag ang natural fiber ng mansanas ay napunta sa colon, ito ay nafe-ferment at lumilikha ng kemikal na nakakatulong upang labanan ang cancer cell.

Mayroon din itong antioxidant na tinatawag na procyanidins na pumapatay ng cancer cell.

Avocado

Ang monounsaturated fats na makukuha sa avocado ay nakatutulong upang ma-absorb ang antioxidant gaya ng lycopene na nakukuha sa kamatis at beta-carotene na nasa carrots.

Pero ang pinakamabisa umanong bahagi ng prutas na ito ay ang buto. Ang 70 porsyento ng antioxidant ng avocado ay makukuha sa buto.

Ang buto ay mayroong flavonol, isang malakas na antioxidant na nakatutulong upang pabagalin ang paglaki ng tumor. Pinapatay din nito ang leukemia cells.

Cabbage

Ang mga tao na kumakain ng repolyo ay mababa ang tyansa na magkaroon ng colon cancer.

Ang repolyo ay mayroong bioflavonoids na nagbibigay ng proteksyon sa cell laban sa free radicals at hinaharangan nito ang paglaki ng tumor.

Sa isang pag-aaral, bu-mababa ng 45 porsyento ang tyansa na magkaroon ng breast cancer ang isang babae na mahilig kumain ng repolyo at broccoli.

Carrot

Bukod sa beta-carotene, ang carrot ay mayroong ding carotenoids gaya ng alpha-carotene at bioflavonoids na iniuugnay sa pagbaba tyansa na magkaroon ng kanser lalo na ang lung cancer.

Kape

Ayon sa pag-aaral ng National Cancer Institute ang mga tao ba umiinom ng apat o higit pang baso ng kape kada araw ay mas mababa ng 15 porsyento ang tyansa na magkaroon ng colon cancer kumpara sa mga tao na hindi nagkakape.

Mabisa umano ang kape laban sa prostate, liver, at endometrial cancers.

Luya

May mga pag-aaral na nagsasabi na mayroong cancer-fighting properties ang luya. Sa isang pag-aaral University of Michigan lumalabas na nagpapakamatay ang ovarian cancer cell dahil sa ginger.

Quick facts tungkol sa cancer

Ang kanser ay isa sa pangunahing sanhi ng pagkakasakit at kamatayan sa buong mundo; 14 milyon ang naitalang bagong kaso noong 2012

Inaasahan na aakyat sa 70 porsiyento ang bagong kaso ng cancer sa susunod na dalawang dekada.

Ikalawang pangunahin sanhi ng kamatayan sa buon mundo; isa sa anim ang namamatay dahil sa cancer
Noong 2015, 8.8 milyon ang naitalang namatay dahil sa cancer

70 porsiyento na namatay sa cancer ay mula sa low- at middle-income na bansa.

Limang pangunahing dahilan bakit nagkaka-cancer: high body mass index, low fruit and vegetable intake, lack of physical activity, tobacco use at alcohol use

Ang tobacco use ang pinakamalaking risk factor ng kanser

Source: World Health Organization

Dapat alam mo ito

Ang cancer ay ang pangunahing dahilan ng kamatayan sa buong daigdig kung saan aabot sa 8.8 milyon ang namatay noong 2015. Ang mga pinaka-karaniwang sanhi ng kamatayan sa cancer ay ang: Lung (1.69 milyon deaths) ; Liver (788,000 deaths); Colorectal (774,000 deaths) at Stomach (754,000 deaths).

Read more...