Siri the wonder dog labs na labs ng mga Pinoy


CERTIFIED hit na nga talaga si Siri, ang wonder dog na kasama ngayon nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa GMA Telebabad series na Sherlock Jr.

Hindi na kasi mapigilan ang kasikatan ng aso lalo na’t cute na cute sa kanya ang mga netizens. In fact, nang malaman nga nila na may social media account na ito, agad-agad nila itong finollow dahil gusto nilang laging updated sa happenings sa ating pinakabagong Kapuso barkada.

Masaya nga rin ang viewers ng Sherlock Jr. dahil isa si Siri sa mga nag-a-update sa kanila ng mga nangyayari behind-the-scenes. Palagi nga niyang kasama sa kanyang Instagram stories ang best friend niyang si Jack (Ruru) kaya ang fans, abot hanggang langit ang kasiyahan.

Read more...