Aiko: Walang rason para idemanda ko si Jomari!


KUMALAT ang balitang idedemanda raw ni Aiko Melendez ang ex-husband niyang si Jomari Yllana.

Ito’y matapos mabalitang magiging ama na uli ang aktor dahil buntis na ang live-in partner nitong si Joy Reyes.

Paglilinaw ng kontrabida ni Maja Salvador sa Wildflower, wala raw katotohanan na sasampahan niya ng kaso si Jomari, wala raw dahilan para gawin niya ito.

Masaya raw siya para sa ama ng kanyang anak na si Andre, “Matagal na kaming annulled ni Jom. So, walang case na puwede kong ikaso sa kanya. Tapos na tapos na ‘yung tungkol sa amin. It’s my respect na rin sa magiging baby nila. Tsaka ayoko nang maka-cause ng tension lalo na maselan yung pagbubuntis ni Joy.”

Read more...