Sarah 15 taon na sa showbiz, major concert sa Araneta tuloy na tuloy na ngayong 2018

SARAH GERONIMO

PLANTSADO na ang pagbabalik sa concert stage ni Sarah Geronimo. Gaganapin ang upcoming concert niyang “Sarah Geronimo: This Is Me” sa Araneta Coliseum sa April 14, 2018.

Sa tweet ng Viva Live, Inc., mabibili na ang tickets sa concert ng Pop Royalty sa Feb. 15. Tanging Iconic Queen of her generation ang nakasaad na makakasama niya. Bale selebrasyon ng 15 years ni Sarah ang pagbabalik niya sa concert scene.

Bukod sa preparasyon sa concert, tuluy-tuloy pa rin ang shooting ni SG ng “Miss Granny” with James Reid. Si James naman, ratsada na sa rehearsals ng “Revolution” concert nila ni Nadine Lustre na magsisilbi ring second anniversary celebration nila as a couple.

Sa Feb. 9 naman ang “Revolution” ng JaDine loveteam sa Big Dome.

Read more...