Dating sikat na female singer tumanda nang 10 beses: Kumupas na kagandahan


BIGLANG napa-throwback ang isang grupo ng mga nagtatrabaho sa isang produksiyon nang makita nila ang isang mestisang lola na maingay na maingay habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kasama.

Masakit sa tenga ang boses ng lolang mestisa, may katinisan ‘yun at madiin pa siyang magsalita, kaya halos lahat ng nasa restaurant ay napapatingin sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Para kasi siyang tumanda nang ten times sa age niya, lolang-lola na talaga ang itsura niya, parang kailan lang ‘yun, di ba?

“Parang kailan lang ‘yun habang palagi siyang bumibida sa mga concert, ang ganda-ganda niya, kakabugin niya ang mga modelo sa ganda ng packaging niya!

“Bukod sa sikat na sikat na ang mga kanta niya, e, bonggang-bongga pa siyang magdala ng suot, gown kung gown talaga ang lolang ito kahit simpleng show lang ang pupuntahan niya para mag-guest.

“Sosing-sosi siya, palibhasa, e, yayamanin ang family nila. Pero anyare, bakit naging ganu’n na ang itsura niya? Parang sangkatutak na ang mga apo niya, e, ang mga kasabayan niyang singers, e, hindi naman ganu’n katandang tingnan!” tanong-opinyon ng aming impormante.

Mukhang napabayaan na nga ng dating sikat na singer ang katawan niya, masyado kasi siyang nakatutok ngayon sa ibang mundo, nagpakalalim na siya sa mundo ng pulitika.

“Hindi naman siya kumakandidato, pero mas matindi pa du’n ang involvement niya. Kasama siya sa isang grupo ng mga artistang super-active sa pagtatanggol sa isang partido.

“Kasama niya ang isang male singer na ganu’n na rin ang mundo ngayon, marami silang kinakalaban, marami silang nagiging kaaway dahil sa pagdedepensa sa partidong pinaniniwalaan nila.

“Ayun si girl, mukhang matanda na talaga, walang-wala na ang alaala ng kagandahan niya nu’ng mga panahong pinapalakpakan talaga siya sa entablado habang kumakanta.

“Ang bilis ng pagtanda niya. Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, yo te amo, sabi ng singer, iniibig kita, ich liebe dich, getlak n’yo na kung sino siya?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Read more...