Sunshine kailangang maoperahan sa mata

OOPERAHAN si Sunshine Cruz sa mata sa darating na Abril. Naghahanda na ang aktres sa gagawing operasyon na gagawin pa sa Amerika.

Sa isang panayam ikinuwento nito kung ano ang naging problema sa kanyang mata, “Yung isa nakalabas, yung isa nakapasok, because of the trauma before.”

Nagkaroon pala siya ng parang black eye noon, “Eto yung naging trauma before, talagang lumabas yun, e.

Nagiging bother for me as an actress, kailangan ang iyong mata ay pantay. So, matagal na, dinadaya lang pero lumalabas pa rin kahit dayain sa makeup, e. Sa pag-aartista ang bread and butter ko, kaya kailangan pantay sila.”

q q q

Hinding-hindi malilimutan ni Zsa Zsa Padilla ang karakter niya bilang Red Dragon sa seryeng Wildflower na malapit nang magtapos sa ABS-CBN Primetime Bida. Ito na raw kasi ang pinakamasamang role na kanyang nagawa bilang aktres.

“She’s salbahe. Siyempre sa soap ko lang magagawa yan na ‘ipapatay yan!’ Lahat ng mga angst mo sa buhay doon mo na ibubuhos lahat kaya sa tunay na buhay hindi na ako nagagalit,” sey ng Divine Diva.

Natanong si Zsa Zsa kung okay sa kanya na magsama sila ng dating partner ni Mang Dolphy na si Alma Moreno sa isang serye, “I don’t know. If there’s no intrigue to it di ba, why not? We’re actors.”

Read more...