Xander Ford muling nabuhay: Haba ng hair!


MULING pinag-usapan ng mga netizens ang Internet sensation na si Xander Ford dahil sa bago niyang hairstyle. Sa Facebook account ng Star Image Artist Management na nangangalaga sa career ng retokadong bagets, makikita ang mahabang buhok nito.

Sa kanyang Instagram account, nag-post din si Xander ng ilang litrato kung saan makikita ang iba’t ibang style ng kanyang long hair.

Talagang pinagtalunan ng kanyang followers ang kanyang hair kung totoo ba ito o hair extension lang. Karamihan sa mga nag-comment ay nagsabing bagay daw ito kay Xander pero halatang wig o hair extension lang ang gamit nito.

Pero kung may natuwa kay Xander, meron ding nambasag sa trip ng binata. Sabi ng isang basher, “Daanin mo na lang sa buhok dahil laos ka na agad! San ka na? Anyare? May career pa ba? Bilis ng karma kay Ford, ha!

Read more...