Sinabi ni Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for planning, na isasarado ang Sevilla Bridge para sa isasagawang repair.
Kumukunekta sa tulay ang Shaw Boulevard sa Mandaluyong City at P. Sanchez sa Maynila City.
“We have been removing illegally parked vehicles and other obstructions along alternative routes for the past three weeks,” sabi ni Garcia.
Idinagdag ni Garcia na nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa local government units ng Mandaluyong, San Juan, Manila at Makati para maibsan ang epekto nito sa trapik.
Inabisuhan ng ahensiya ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Eastbound traffic
1. Mula sa Magsaysay Boulevard
*Kumanan sa Old Sta. Mesa/Valenzuela Street, kanan sa Cordillera
*Kaliwa sa Lubiran na papuntang Boni Avenue papunta sa Maysilo roundabout
*Exit sa FB Martinez Avenue
*Kanan sa Shaw Boulevard papuntang destinasyon
2. Mula sa Magsaysay Boulevard
*Kanan sa V. Mapa at pagkatapos ay kanan sa Old Sta. Mesa
*Kaliwa sa Reposo Street, kaliwa sa Valenzuela, kanan sa V. Mapa
*Kanan sa Bagumbayan Street, at pagkatapos ay kaliwa sa Lubiran
*Kaliwa sa Kalentong, pagkatapos ay kanan sa Shaw Boulevard papuntang destinasyon
Westbound traffic
1. Mula Shaw Boulevard
*Kanan sa F. Blumentritt St.
*Kaliwa sa F. Manalo Street, pagkatapos ay kanan sa Old Sta. Mesa
*Kaliwa sa Araneta Avenue papuntang destinasyon
2. Mula Shaw Boulevard
*Kanan sa Gomezville/Hoover/Haig
*Kanan sa F. Blumentritt Street, kaliwa sa Old Sta. Mesa pagkatapos kanan sa V. Mapa pagkatapos ay kaliwa sa Aurora Boulevard papuntang destinasyon
3. Mula Shaw Boulevard
*Kanan sa F. Blumentritt Street papuntang N. Domingo papuntang destinasyon.
“The truck ban along Shaw Boulevard would also be adjusted from 4 p.m. to 10 p.m. while the reconstruction is ongoing,” sabi ni Garcia.