Kayang-kaya kahit inabandona ni mister

MAGANDANG araw po, ateng Beth.

Ako po si Eloisa, taga Mindanao. Matagal ko na pong balak pumunta sa Maynila para sundan yung asawa ko. Tatlong taon na siyang nandiyan sa Maynila para magtrabaho.

Noong una po ay palagi po siyang nagpapadala ng pera sa amin ng mga anak ko. Pero kinalaunan, pumapalya-palya na, hanggang noong isang taon tuluyan na siyang hindi nagbibigay ng sustento sa amin.

Hindi na rin siya nakikipag-usap sa akin. Sabi niya noong una, nawalan daw siya ng trabaho. Pero nang malaman ko mismo sa kapatid niya na meron na raw ibang pamilya yung mister ko, lalong hindi na siya nakipag-usap sa amin. Ano po ba ang tama kong gawin, pabayaan ko na lang siya? o dapat kong ilaban yung love ko sa kanya.

– Eloisa

Hi Eloisa,

Mahirap mamili kung ano ang dapat mong gawin, kasi ikaw lang makakapagdesisyon nyan. I can only make suggestions, pero at the end of the day, sa ‘yo pa rin ang bagsak ng desisyon.

Una, ikonsidera mo nasa loob ng tatlong taon – o ipagpalagay na nating isang taon na lang- nabuhay mong mag isa ang mga anak ninyo na walang tulong niya.

Hindi ko alam ilan ang anak ninyo o kung ano ang trabaho mo pero nairaos mo ang buhay ninyo ng walang tulong mula sa asawa mo. Kapuri-puri yun, ate. So kung kaya mo na rin lang at iwas stress sa ‘yo na makasama pa ang mister mo, ituloy mo na lang yang buhay ninyo ng mga anak mo nang wala sya.

Hindi naman ikaw ang unang babaeng inabandona ng asawa (excuse me po!) at alam mo namang kaya mong sustentuhan ang buhay ninyo.

On the other hand, ipaglalaban mo kamo ang pag-ibig mo kaya mo siya susundan sa Maynila? Yung totoo, me love ka pa sa kanya? May respeto ka pa sa kanya? Kaya mo pang makisama ulit sa kanya?

Pangalawa, sino’ng pag iiwanan mo sa mga anak mo, o anak mo? Umalis na nga yung tatay, pati ba nanay nila iiwan sila, para ano? Para maghabol dahil love mo pa siya? Umalis na nga di ba? Nangibang-bahay na nga di ba?

Samantalang yung mga anak mo sa ‘yo na lang naka-asa, ikaw na lang ang magulang.

So ikaw, kung love mo pa nga, kung nirerespeto mo pa sya – at ang sarili mo, e di sundan mo.

Kung keri mo namang wag nang sundan, e, di OK din. Maaari kang kumunsulta sa abogado para mapilitan syang magpadala ng sustento ng ayon sa batas dahil karapatan iyon ng mga anak ninyo.

Babae ka at nanay ka, kaya mo yan, ‘teh! Go!!

Read more...