Aplikasyon para sa construction safety and health program, pinoproseso na

PARA mapabilis ang pag-apruba ng labor department sa Construction Safety and Health Program (CSHP) application, inatasan ang lahat ng DOLE Field Office Director na ayusin ang pagproseso ng aplikasyon para sa small construction project sa kanilang nasasakupan.

Sa Administrative Order No. 24, series of 2018, ang DOLE field office ang magpo-proseso ng lahat ng CHSP application para sa construction project na hindi lalampas sa dalawang palapag, tulad ng residential house at garahe, o anumang katulad na proyekto na hindi hihigit sa 15 manggagawa.

Kasama rin sa CSHP application ang construction project na hindi lalampas sa tinatayang P3-milyong halaga; at ang mga simpleng pagpapaayos o pagpagpapakumpuni tulad ng pagpapapintura, pagtatapal, paglalagay ng bubong, bintana, bakod, (loob/labas), at iba pang katulad na gawain.

Gayunman, ang order ay “hindi para sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang government construction o infrastructure projects.”

Sa parehong administrative order, naglakip din ng pinasimpleng CSHP template at application form para sa small construction projects para maging gabay ng contractor o ng project owner.

Kung may maganap na hindi inaasahang aksidente sa panahon na ginagawa ang proyekto, susundin ang mga nakasaad na probisyon sa Department Order No. 183-17, o ang Revised Rules on the Administration and Enforcement of Labor Laws, at/o iba pang naaayong batas.

Para sa pag-monitor at pag-report, ang DOLE Regional Director, sa pamamagitan ng program focal person, ang mamamahala sa pag-uulat ng bilang at istado ng prinosesong CSHP bilang pagsunod sa itinakdang limang-araw na pag-proseso.

Ang report na ito ay magiging bahagi ng CHSP Report na buwanang isinusumite sa Bureau of Working Conditions (BWC).

Ang kautusan ay batay sa Administrative Order No. 152, Series of 2011, kung saan inililipat mula sa BWC ang pagsusuri at pag-aproba ng CSHP sa DOLE Regional Office.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

vvv
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...