3 motor, SUV inararo ng trak: 4 patay

Apat katao ang nasawi nang araruhin ng 10-wheeler truck ang tatlong motorsiklo at isang sports utility vehicle sa Makilala, North Cotabato, Huwebes ng umaga, ayon sa pulisya.
Naganap ang insidente dakong alas-10:30 sa Sitio Patulangon, Brgy. Poblacion, sabi ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato provincial police.
Lumabas sa imbestigasyon na biglang nawalan ng kontrol sa trak ang driver nito, hanggang sa masalpok ng sasakyan ang tatlong motor at isang Toyota Fortuner, ani Tayong, gamit bilang basehan ang inisyal na ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.
May iba pang tao na malubhang nasugatan sa insidenteng kinasangkutan ng trak, na galing umano sa Davao City at nagloko ang preno, ayon namn sa isang ulat sa radyo.
Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang totoong sanhi ng insidente, ani Tayong.

Read more...