Maja hindi malilimutan ang payo ni Tirso: Walang echos yun!

MAJA SALVADOR AT TIRSO CRUZ III

MAHIRAP lampasan ang iconic character ni Maja Salvador sa Wildflower na magtatapos na next week.

When asked if she’ll be choosy in accepting offers, she said, “Hindi naman po sa pagiging choosy pero ‘wag naman ‘yung nagawa ko na katulad ng mga nagawa kong eksena. Katulad nga ng sinabi ni direk Ruel Bayani na hindi raw po ako takot tumanggap ng characters na hindi pa-sweet.

“Siguro malaki ang pasasalamat ko na isa sa teleseryeng inumpisahan ko ay It Might Be You at kasama ko si Tito Pip (Tirso Cruz III).”

Malaki ang naitulong ng veteran actor kay Maja bilang artista, “Si tito Pip ang isa sa mga nag-guide sa akin kung ano ang tatanggapin kong mga characters. Never kong kinalimutan ‘yon kaya po siguro pa-15 years na ako sa industry.

“Lagi mo lang tatandaan, artista ka pero dapat hindi lang isa ang ibibigay mo. Isipin mo na isa kang product. Di ba bawa’t product may package, nag-iiba ng itsura, may ibang offers. ‘Yun ang sinabi niya sa akin. Bakit po nakilala si Ivy Aguas or si Lily Cruz? Isa ’yun sa malaking tulong ni tito Pip. Hindi ‘yon etchos,” said Maja.

Read more...