Megan Young inalala ang unang ‘kilig moment’ nila ni Mikael

MIKAEL DAEZ AT MEGAN YOUNG

UNFORGETTABLE at memorable ang unang pagkikita ng lovers na sina Megan Young at Mikael Daez seven years ago. Inalala ni Megan ang pangyayaring ito sa kanyang Instagram post habang yakap-yakap siya ng Kapuso hunk.

“The first time we met, we were backstage for an event. He was modelling I was hosting. I was feeling a bit down and the venue was bit chilly – which he probably noticed and innocently lent me his jacket.

“We didn’t really talk much that night but his gesture left a lasting impression! 7 years later, this is how he lends his jacket,” ang caption ni Megan sa cheesy foto nila ni Mikael.

Sa totoo lang, natagalan bago umamin sa kanilang relasyon sina Megan at Mikael. Pero action speaks louder than words lalo na’t madalas silang mag-post ng mga biyahe nila sa ibang bansa.

Ngayon ay magkasama sila sa upcoming GMA series na The Stepdaughters. Pero kung kasal na ang pag-uusapan eh, tiklop pa rin sina Megan at Mikael na magsalita about it, huh!

Read more...