Young actress lumayas na sa poder ng epal na ina

NAKAHINGA na nang maluwag ang mga nagmamahal at nagmamalasakit sa isang young female personality sa pinakahuli niyang desisyon. Humiwalay na siya ng tirahan sa kanyang ina.

Hindi maintindihan ng mga ito kung bakit ganu’n na lang ang galit sa young actress ng kanyang mommy, sa halip na ito ang mag-alaga sa imahe ng kanyang anak ay ito pa ang nangunguna sa paninira, ano raw ba naman itong klaseng nanay?

Kuwento ng aming source, “At least, hindi na masyadong nagwo-worry ang mga taong concerned kay ______ (pangalan ng magandang young actress), napahinga na ang kalooban nila, malayo na siya sa mommy niya.

“Marami kasing nag-aalala na baka dahil sa sobrang depresyon, e, makaisip ng kakaiba ang girl, huwag biruin ang sitwasyon niya, ang dami-daming nawawala ngayon nang dahil sa sobrang depression!

“Mabuti na lang at malakas ang loob ng girl, ginagawa niyang positive ang lahat, dahil kung hindi, baka matagal na siyang nawala,” simulang kuwento ng aming impormante.

Maraming kasamahan niya ang naaawa sa young female personality, sobrang pagpapahiya na ang ginagawa sa kanya ng mommy niya, pinagdadamutan pa siya ng suporta.

“Imagine, umiiyak ang girl kapag dumarating sa set, nagtatrabaho siya, pero ang akala yata ng mommy niya, e, naglalakwatsa lang siya!

“Hindi siya pinapayagang gumamit ng sasakyan nila, kaya ang ending, e, ipinasusundo na lang siya sa service ng production. Yes! Itinatago ng mommy niya ang susi ng sasakyan para hindi niya magamit!

“E, ang dami-dami niyang dala-dalang kagamitan papunta sa trabaho niya! Pero walang pakialam ang mommy niya, hindi siya pinagagamit ng sasakyan, nakakaawa talaga ang batang ‘yun.

“Buti na lang at nagsarili na siya ngayon, mapapahinga na ang kalooban niya, pati ang pakiramdam ng mga nagmamahal sa kanya. Mabuti na lang talaga at matapang ang bagets, dahil kung hindi, e, baka kung ano na ang naisipan niyang gawin!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ipatapon n’yo na nga sa Saigon ang mommy ng batang ‘yan!” inis na pagtatapos ng aming source.

Read more...