“The President is carefully weighing the issue on raising the monthly contribution of SSS members,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Idinagdag ni Roque na batid ni Duterte na kinakailangan ang pagtataas ng kontribusyon ng SSS para mapatagal pa ang buhay ng pension fund, bagamat isinaalang-alang din niya ang epekto nito sa mga manggagawa.
“While increasing SSS premiums would strengthen the long-term viability of the pension fund, the President considers the burden it may bring to the purchasing power of the n members,” ayon pa kay Roque.
Mula Enero, sunod-sunod na ang pagtataas ng mga serbisyo, bilihin at produktong petrolyo sa harap naman ng implementasyon ng TRAIN law.