Maja babalik ba sa Probinsyano?

JOSEPH MARCO, MAJA SALVADOR AT VIN ABRENICA

NGAYONG patapos na ang seryeng Wildflower ni Maja Salvador, posible kayang bumalik pa ang karakter niya bilang palabang pulis sa Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Sa thanksgiving/farewell presscon ng Wildflower natanong si Maja kung pwede pa siyang mapanood uli sa Probinsyano? “Wala pa naman pong tanong. Pero baka po malabo rin mangyari kasi nga po puno ng tours, at saka may pelikula rin po akong gagawin.”

Pero hirit niya, “Kung gusto po ni Cardo (Coco), kung willing siya, puwede niya pa tulungan si Lily Cruz sa ending ng Wildflower!”

Dalawang linggo na lang mapapanood ang serye ni Maja sa Primetime Bida ng ABS-CBN at promise ng aktres, isang “wildest ending” ang magaganap sa pagtatapos ng programa. Dapat daw abangan ng viewers kung magtatagumpay si Lily Cruz sa kanyang paghihiganti.

Present din sa ginanap na farewell presscon ng serye sina Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Tirso Cruz III, Zsa Zsa Padilla, Joseph Marco, RK Bagatsing, Vin Abrenica, Roxanne Barcelo, Yen Santos at marami pang iba.

Napapanood pa rin ang Wildflower bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Read more...