‘Changing Partners’ hindi lang pang-LGBT

“CHANGING PARTNERS ” CAST: JOJI LORENZO, AGOT ISIDRO, SANDINO MARTIN AT ANNA LUNA

IPINALABAS last Jan. 31 ang “Changing Partners” nina Agot Isidro, Sandino Martin, Anna Luna at Jojit Lorenzo na ipinrodyus nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone para sa Cinema One Originals.

Maganda ang kabuuan ng pelikula pero mas humanga kami nang husto sa galing ng apat na bida na sa tingin namin ay puro take-one ang mga eksena dahil natural na natural sila sa movie.

Lalo na si Agot bilang may edad na live-in partner ni Sandino at lesbian lover ni Anna; si Jojit na closet gay lover ng karakter ni Sandino at may edad na boyfriend ng role Anna. Ipinakita sa pelikula ang mga pros and cons ng mga uri ng relasyon, na walang pinipiling edad kapag nagmahal.

Kaya naman pala halos lahat ng awards sa 2017 Cinema One Originals Film Festivals ay hinakot ng “Changing Partners” dahil deserving talaga. By the way bossing Ervin, si Dan Villegas din ang nagdirek ng pelikula.

Read more...