Roxanne umaming nakipag-break kay Will Devaughn

WILL DEVAUGHN AT ROXANNE BARCELO

DIRETSONG inamin ni Roxanne Barcelo na hiwalay na sila ni Will Devaughn.

Kahapon sa finale/thanksgiving presscon ng teleseryeng pinagbibidahan ni Maja Salvador naWildflower, sinabi ng aktres na mutual decision ang break-up nila ng hunk model-actor. Wala rin daw third party involved at lalong hindi totoo na dahil sa pera kung bakit sila naghiwalay.

“Actually, pinakikinggan ko yung advice kanina ni Maja, yung closing spiels niya, na kapag naibigay mo na lahat, wala na. Hindi ko alam, kasi meron namang patsika si Miss Zsa Zsa (Padilla, isa rin sa cast ng serye) na after six months, nagkabalikan.

“Pero I don’t know, e, ayokong tuldukan. Pero at the same time, I really want to focus on making myself happy and cool by myself muna. Kung may mga dumating, e, maganda. Sakto lang,” ani Roxanne.

Siya raw ang nakipaghiwalay kay Will at maayos naman daw silang nagpaalam sa ias’t isa. Nanghinayang naman ang mga entertainment reporter na nakachika ni Roxanne dahil inaasahan nga ng lahat na sila na ang itinakda ng tadhana.

Super happy pa ang dalawa nu’ng nagpo-promote sila sa pelikula nilang “I Found My Heart In Sta. Fe” na sila mismo nag-produce. Kaya natanong din ang dalaga kung may kinalaman ba ang pagsososyo nila sa nasabing movie sa break-up.

“It was many little things na parang pag nagma-mature ka na kasi…hindi kami nagbi-blame ng isa’t isa.

Hindi na kami dumating du’n. It was more of, admittedly, we both have our pagkukulang sa isa’t isa. We could have done better,” paliwanag ni Roxanne.

Read more...