Jolo wagas ang kilig sa pag-amin ni Jodi: I love you now and forever!

JODI STA. MARIA AT JOLO REVILLA

MARAMI ang kinilig sa sagot ni Jodi Sta. Maria sa tanong na “Kung dalawa ang puso mo, sinong dalawang lalaki ang bibigyan mo nito at bakit?”

Hesitant at first, Jodi said, Ay, tito Boy wala akong maisip. Kung hindi kasama si Thirdy, okay, sige, kuya ko ‘yung isa. Kuya ko kasi kakaunti lang naman ang lalaki sa buhay ko.”

Then, she mustered enough guts to finally admit what has been talked in muted conversations.

“Eto na. Okay, kuya ko ang isa and first time na sasabihin ko, naibigay ko na sa kanya…kay Jolo (Revilla). Wala talaga akong ibang maisip but I have to say,” say ni Jodi na bida sa Sana Dalawa Ang Puso.

Kinilig si Jolo sa revelation ni Jodi. “Wagas ang kilig ko Love! Parang kasasagot mo pa lang sa akin. I love you now and forever,” tweet ni Jolo na feel na feel ang love sa kanya ng aktres.

Incidentally, humataw sa rating ang pilot episode ng Sana Dalawa Ang Puso. Nakakuha ito ng 19.9% against 6.1% ng Lola’s Beautiful Show.

Read more...