Male star bagets pa lang huthutero na, magaling manloko ng mga babae

HINDI naman pala ngayon lang, kahit pala nu’ng hindi pa nag-aartista ang isang male personality ay kilalang-kilala na siya sa pagiging mangga, as in manggagamit.

Estudyante pa lang pala ang lalaking ito ay kilalang-kilala na siya sa kanilang campus bilang babaerong user. Pero may kung anong karisma ang male personality na ito na hindi matanggihan ng mga kababaihan.

Kuwento ng isang source, “Naku, dati na siyang user, ‘no! Mas lumala lang siya nu’ng mag-artista na siya, pero promise, kahit nu’ng nasa college pa lang siya, e, marami na siyang nalokong girlash!

“Magaling kasing bumoka ang lalaking ‘yun, saka malakas ang sense of humor niya, kaya nakukuha niya ang mga girls.

“Marami siyang pinagsasabay-sabay, iba-ibang gate ng university ang pinapasukan at nilalabasan niya para hindi siya mabuking ng mga babaeng pinagsasabay-sabay niyang dyowain,” simulang kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa naging artista na nga si mokong, unti-unti siyang nakilala, pero mas nakilala siya sa pagiging playboy na user. Ilang female personalities na ba ang nagiging karelasyon niya?

Balik-kuwento ng aming source, “At panalung-panalo siya sa lahat ng exes niya, ha? Paano, nakukuha niya ang gusto niya. Lahat ng gusto niya, e, ibinibigay sa kanya ng babae.

“Bilmoko ang mokong na ‘yun, ang galing-galing niyang magpaikot ng girls sa mga palad niya, sa totoo lang!

“Ewan kung anong magic meron ang walanghiyang ‘yun para kahit sinong babae, e, napapagastos niya para sa mga kapritso niya!

“Huli na kapag nalaman ng babae na wala na, talung-talo siya sa laban, dahil nagetlakan na siya ng lalaking ‘yun ng datung, e, nakuha pa ang pagmamahal niya!

“O, di nga ba, napasuka niya ang isang babaeng sikat nu’n, e, madatung pa? ‘Yun ang palaging taya sa lahat ng lakad nila, hindi humuhugot sa bulsa niya ang lalaking magaling!

“Kaya Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ewan na lang kapag hindi n’yo pa nagetlak kung sino ang user na lalaking ito!

“Safe na safe kayong manghula, kaya sige, unahan na kayo kung sino siya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Read more...