Kris hiningan ng b-day wish: Parang nahihiya na akong humingi kay God!

KRIS AQUINO

MAGSE-CELEBRATE na ng kanyang 47th birthday si Kris Aquino sa Feb. 14.

Kaya sa contract signing at presscon para sa kanyang ika-40 endorsement, ang Healthy Family Purified Water kamakailan, natanong ang Queen of Social Media kung may mahihiling pa ba siya sa estado ng kanyang buhay ngayon.

“Parang nahihiya na akong humingi ng anything. I posted kanina lang, nasabi ko na, ‘Remember when you were just wishing for all of these?’

“So, sabi ko, what a difference a year makes. I need to go through 2017…I guess, from April of 2016 all the way to when ‘Crazy Rich Asians’ was shot.

“Parati kong nakakalimutan kung kailan ako nag-shoot, June 23 of 2017. Parang that was a process of 14 months na talagang trinay ako ni God, tinest yung faith ko. It was after that that things started falling into place,” paliwanag ni Kris.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang pelikulang “Crazy Rich Asians” ay ang Hollywood adaptation ng best-selling novel ni Kevin Kwan, kung saan may special appearance si Kris.

Speaking of “CRA”, masaya ring ibinalita ng Queen of all Media sa nakaraang presscon niya bilang bagong endorser ng Ever Bilena ang imbitasyon sa kanya para um-attend sa gaganaping red carpet premiere ng pelikula na ipinrodyus ng Warner Brothers.

“Doon ako nae-excite kasi we were told by Warner Brothers na I’m invited to attend several Red Carpet premiere for ‘Crazy Rich Asians’, so sabi ko, ‘OMG!’ August pa naman ‘yun, so mga May ko na paghahandaan, pero na-excite ako, minsan lang ‘yun.

“And the fact na sinabing, ‘we hope that she (Kris) can block all her schedule for these dates.’ So, na-excite talaga ako with the possibilities that open up (for me),” sabi pa niya.

May plano sanang magbakasyon uli sa New York si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby, pero hindi raw sila pinayagan ng kanyang business manager at finance guru na si Nicko Falcis.

“Nicko did not allow because of the jetlag because pagbalik ko rito, may three-day (rest) tapos trabaho na. So, roon kami pupunta sa (bansa) na hindi ako maje-jet lag.

“So, it’s a six hours difference or actually 18 hours ahead of them so kung iisipin, parang napuyat ka lang and madaling mag-adjust talaga and compromise ‘yun kasi maraming opportunities na nakapanghihinayang kung aantok-antok ako pag-uwi,” aniya pa.

 

 

Read more...