SPELLING—correct or otherwise—can literally spell a lot of difference.
Sa biglaan at mabilis na pagbasa ng isang written word ay maaari itong magkaroon ng ibang kahulugan, a case in point ay ‘yung tinuran ng brodkaster na si Jay Sonza sa kanyang social media account.
Kinuwestiyon kasi ni Jay kung ano na nga ba ang kasalukuyang estado ng pagbabalita, citing a recent headline tungkol sa pagkakadulas sa swimming pool ni Bimby, anak nina Kris Aquino at James Yap, so much so that it was given editorial prominence kumpara sa pagputok ng Bulkang Mayon at ang isyu sa alleged Dengvaxia scam.
Sa kanyang post, tinawag ni Jay na “baklaing bata” si Bimby. Take note of the spelling, hindi ‘yon “baklang” kundi “baklain.”
May kaibahan ang dalawang salitang ito mula sa root word na “bakla.” Grammar experts o mga dalubhasa sa balarila can easily distinguish one from the other: bakla refers to gay, baklain is gay-like or gay-ish.
Bagama’t nilinaw rin naman agad ni Jay ang kanyang post for lack of a better descriptive word, nakatikim na siya ng upak mula sa mga netizens.
Iba naman ang estilo ni Kris in her usual educated, if not scholarly stance.
Inihalintulad ni Kris si Jay sa “baboy” na hindi dapat patulan, with reference to a famous line by George Bernard Shaw (remember his work Pygmalion?).
Our take on the issue.
Brodkaster si Jay who’s publicly perceived to be well-versed (hindi nga ba’t marami siyang dialect na alam) in anything, if not everything including child’s rights.
Sa malaking agwat ng kanilang edad ni Bimby, the least that Jay could have done was to spare the innocent child.
Dinagdagan na lang sana ni Jay ang panlilibak niya kay Kris in addition to his reference to Kris as “anak sa ikatlong kinasamang lalaki.”
Kung makapagsalita itong si Jay, para namang hindi nagbunga ng anak ang relasyon nila ni____, nino nga?