Male personality mukhang pera, sigurista sa pagpasok sa politika

Hoolala.

In fairness, this male personality’s name rings a bell (or should we say, rang a bell as in noon ‘yon).

Sumikat siya sa larangang kanyang pinasok dahil in fairness again, mahusay siya.

Idagdag pa ang kanyang mass appeal. He can relate to the common tao.

Election periods ago ay hinimok siya ng isang partido na tumakbo sa isang pambansang puwesto. He didn’t bite the bait, however. But had he pursued a political career, tiyak na shoo-in siya.

Pero tatakbo lang daw siya sa isang kundisyon. Hirit niya sa partidong kinukuha siya sa ticket nito, may katapat na malaking halaga ang kanyang pagtakbo, na dapat daw ay ilagak sa kanyang bank account.

Kailangang makasiguro muna siya sa kanyang future.

Katwiran ng lalaking personalidad, what if he lost? May babalikan pa raw ba siyang career?

Step aside, Michelle Aldana (da where?), ang bida sa pelikulang “Segurista” many years ago. May male counterpart ka na.

Ano ‘yon, manalo-matalo, kumita siya?!

Read more...