Tambalang Miguel-Bianca hot na hot sa ‘Kambal Karibal’ ng GMA


MAS lalong tumitindi ang magic ng tambalang Bianca Umali at Miguel Tanfelix, ang mga bida sa GMA Primetime series na Kambal, Karibal.

Bukod sa abot hanggang tengang ngiti kapag nagpapakilig ang BiGuel sa kanilang mga eksena, hanga ang mga manonood sa husay ng bawat member ng cast pagdating sa pag-arte.

Kasama sina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza, hindi na maikakailang dahil sa kakaibang twist ng kwento ay ito na ang pinakatinututukan at pinag-uusapan ng viewers at mga netizens.

Ayon nga sa mga comments ng mga Kapuso tuwing gabi, napakaganda at napakahusay ng mga nasa likod ng programang ito dahil very intriguing ang concept ng kuwento at pampamilya talaga.

GMA really knows how to capture the hearts of the Filipino families, sabi pa ng isang netizen.

Read more...