Elmo ipaglalaban si Janella, may respeto raw kay Jenine Desiderio

ELMO MAGALONA AT JANELLA SALVADOR

HINDI man diretsong aminin ni Elmo Magalona, halatang may isyu talaga sa pagitan nila ng mommy ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio.

Sa nakaraang presscon ng Valentine movie ng tambalang ElNella, natanong si Elmo tungkol sa kontrobersyal post ni Jenine sa social media na may konek sa isang taong nag-gatecrash sa kanilang party noong holiday season.

Matagal na kasing nababalita na hindi boto sa binata ang nanay ni Janella, kaya naman kinunan ng mga reporter ng reaksyon si Elmo kung feeling ba niya siya ang pinatatamaan ni Jenine. “Wala po. Hindi po ako naggaganu’n (gatecrash).”

Nauna nang sinabi ni Janella na invited si Elmo sa kanilang family reunion at ipinagpaalam daw niya ito sa kanyang mga kamag-anak.

Diretsong tanong kay Elmo, hindi ba boto sa kanya ang nanay ni Janella? “I think naman like I always say, siyempre, I just want peace…peace lang.”

Dugtong pa ng binata, “Ako, like naman what Janella said, it’s something that is really in the family. So I just try to keep on telling her na I support her whatever happens.

“Like, if it’s part of the family, I don’t want to really be involved,” hirit pa ni Elmo. Ibig sabihin, nirerespeto niya si Jenine bilang nanay ni Janella pero hindi ito magiging hadlang sa feelings niya sa dalaga.

Handa rin daw siyang maghintay kung kailan magiging handa si Janella na magka-boyfriend.

“Ako, I just really keep on telling naman Janella na it will have to depend on her na kung puwede na sa ganyan. Kasi, like what I said, I’m not really in a rush. Tsaka I’m just really happy na nakakatrabaho ko ulit siya,” dagdag pa ng Kapamilya young actor.

Samantala, welcome na welcome naman si Janella sa pamilya ni Elmo, at mukhang boto naman ang ina ng binata na si Pia Magalona sa dalaga. Sa katunayan, enjoy na enjoy ang aktres nang dumalo sa kasal ng ate ni Elmo na si Maxene Magalona kay Robby Mananquil kamakailan sa Boracay.

“Yeah, I’m happy na there are moments in our lives na ganu’n, nakakapunta si Janella sa events ng family ko.”

Busy ngayon ang magka-loveteam sa promo ng Valentine movie nilang “My Fairy Tail Love Story” mula sa Regal Entertainment, directed by Perci Intalan. Showing na ito sa mga sinehan sa mismong Araw ng mga Puso, Feb. 14.

Kasama rin sa latest offering na ito ng Regal Films nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde Teo sina Kiko Estrada bilang third party sa ElNella loveteam, Kiray Celis, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kakai Bautista, Rubi Rubi, Kaladkaren Davila at Dino Pastrano.

Ayon kay Janella patungkol sa kanilang pelikula, “This is not just an ordinary mermaid movie. It will remind everyone how much thoughts and wishes could be so powerful. This will open our eyes noy only to the beauty of the marine life but to the real beauty of our own lives and the people who love us unconditionally.”

Read more...