Angel may bagong pelikula at teleserye sa ABS-CBN

ANGEL LOCSIN

NANANATILING Kapamilya ang award-winning actress na si Angel Locsin matapos itong mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN recently.

Ito na ang ikaapat na renewal ng kontrata ni Angel sa network at lampas sampung taon na siyang opisyal na Kapamilya.

“Gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN for trusting me and for taking good care of me. Looking forward po ako sa projects na gagawin ko para sa mga manonood,” sabi niya.

Ibinahagi rin ng Pilipinas Got Talent judge na nakatakda siyang bumida sa isang pelikula sa ilalim ng Star Cinema at sa isang teleserye sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.

Sa loob ng isang dekada niyang pananatili sa ABS-CBN, napanood si Angel sa mga teleseryeng tumatak sa mga manonood gaya ng The Legal Wife, Lobo, Imortal at ang huling installment ng moonstone trilogy na La Luna Sangre. Naging hurado na rin sa dalawang magkasunod na season ng PGT ang aktres kasama sina Vice Ganda, Freddie Garcia at Robin Padilla.

Read more...