Kilalang TV personality hindi welcome sa isang sosyal na hotel


HINDI welcome ang isang TV personality kapag pumupunta siya sa isang kilalang hotel. May kaartehan kasi siya when it comes to food.

Ang ikinaiinis ng hotel staff ay ang nakakalokang demand ng TV personality kapag nasa hotel ito. Meron kasi siyang kakaibang hilig – type na type niyang um-order ng pagkain na mahirap mahanap.

Siyempre, ang hotel they can only offer so much pagdating sa food. Pero itong si TV personality, gusto niya ay out of the ordinary – ‘yung food na hindi talaga isini-serve sa mga hotel.

Type na type niya ang mga isdang unique, mahirap hanapin at iluto. ‘Yun ang gustung-gusto niya. The more na rare ang fish ay iyon ang ipinapahanap niya.

Kaya sa tuwing papasok pa lang siya ng hotel ay tanungan na agad ang mga staff kung anong kakaibang uri ng isda na naman ang oorderin ng TV personality.

Rated U ang TV personality – U for unique. Kakaiba kasi ang taste niya sa food. It’s out of the ordinary, really.

Read more...