Ryzza ibinuking ang pagde-date nina Alden at Maine sa HK; AlDub Nation nagpiyesta


IBINUKING  ni Ryzza Mae Dizon ang pagsama nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Hong Kong kasama ang ilang Eat Bulaga Dabarkads.

Isang picture sa Instagram ang inilabas ni Ryzza na kuha habang nagla-lunch ang EB Dabarkads.

Magkahiwalay man ng upuan sina Alden at Meng, magkatapat naman silang dalawa.

Todo ang pasasalamat ng AlDub Nation kay Ryzza sa pagpapasilip ng picture na ‘yon. Sana raw ay mas marami pang i-post ng litrato si Ryzza at iba pang Dabarkads ng AlDub para mas masaya.

“Ang galing talaga ni @ryzzamaedizon love na love mo talaga ang AlDub Nation, lagi mo kami binibigyan ng update kasama sina Alden at Maine. Thank you Ryzza,” sabi ng isang follower niya.

Read more...