Mga magsasaka walang takot sa Mayon

DEDMA ang mga magsasaka sa galit ng Mount Mayon matapos patuloy na bumabalik sa mga sakahan sa kabila ng patuloy na pagbuga ng lava ng bulkan.

Walang takot na ipinastol pa rin ng magsasakang si Jay Balindang ang kanyang alagang kalabaw sa palayan na napapalibutan na ng ash fall.
Pansamantalang iniiwan ni Balindang ang kanyang pamilya sa evacuation center at lumulusot sa mga pulis para makabalik sa kanyang maliit na sakahan na nasa paanan ng bulkan para pakainin ang kanyang kalabaw.

“I am not afraid of the volcano. We are used to its activity,” sabi ng 37-anyos na magsasaka.
Nasa loob ng danger zone ang sakahan ni Balindang.

Read more...