Daniel ibinandera ang pag-ibig kay Kathryn: We’re partners, wala nang makakatalo du’n!


PARA sa lahat ng KathNiel fans na nagdududa na sa pagmamahal at sinseridad ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo, may sagot na riyan ang tinaguriang King Of Hearts.

Kamakailan kasi ay na-bash ng ilang fans si Daniel dahil sa viral selfie photo niya with a female supporter. Ang claim ng girl ay kinuha pa raw ni DJ ang name at number niya.

Sa isang panayam, narito ang paniniguro ng binata sa fans nila ni Kathryn, “Kami ni Kath ngayon, matagal na kami magkasama, iba na rin yung relationship namin.

“Ngayon talagang we’re partners and alam namin na mahal namin ang isa’t isa at wala nang makakatalo pa du’n.

“Mas relaxed lang din kami ngayon sa isa’t isa. Kung ano man ang sabihin ng mga tao sa kanya o sa akin, parang hindi na namin pinakikinggan dahil mas kilala namin ang isa’t isa. And alam namin ang totoo,” aniya.

Read more...