Bigla na lang akong nagagalit...umiinit agad ang ulo ko! - Nadine Bandera

Bigla na lang akong nagagalit…umiinit agad ang ulo ko! – Nadine

|January 30,2018
share this

Bigla na lang akong nagagalit…umiinit agad ang ulo ko! – Nadine

- January 30, 2018 - 12:05 AM


SECOND anniversary na nina James Reid at Nadine Lustre bilang couple sa Feb. 11 at mas lalo pa raw tumitindi ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Mismong si James na ang nagsabi na walang katotohanan ang kumakalat na balita na nagkakalabuan na sila ni Nadine. Naging kontrobersyal at mapaghamon ang 2017 para sa dalawa pero nananatili pa ring matatag ang kanilang relasyon.

“I think now it’s probably the most happiest we’ve been. We’ve had hard times, especially last year, Nadine and I went through a lot of hard times but I feel like we’re at the happiest right now,” sey ng binata nang mag-guest nitong nakaraang Linggo sa Gandang Gabi Vice.

Chika naman ni Nadine, “Last year ang dami kong pinagdaanan, grabe! Iba rin kasi yung mood swings ko, iba. Para siyang roller coaster talaga. Tapos bigla na lang ako nagagalit. Bigla na lang umiinit yung ulo ko ganu’n.”

Dagdag pa ng dalaga, mas naging open pa ngayon ang communication nila ni James, “Nag-promise ako sa kanya na lahat ng nararamdaman ko, mas open na ako sa kanya. As in yung emotions ko, mga discoveries ko, lahat sinasabi ko sa kanya so parang nagre-recap kami.”

Hirit naman James, “Kung araw-araw kayo magkasama, you don’t really talk about these things. But I think over time, you take it for granted so she decided to tell about her whole day, be more open.”

Dugtong pa ng hunk actor, “I really had to be patient with her and give her time. She keeps trying to be strong for everyone. I kept telling her it’s okay to cry. It’s okay, you need to feel it.”

Sa tanong kung gaano niya kamahal ngayon ang GF, “I need a Nadine in my life. With her I don’t have to pretend. I can be myself with Nadine. With Nadine I just feel I’m just safe like I can’t explain it, whatever life throws at us, or even showbiz, I feel like I can overcome it. Something like that. I feel safer.”

At alam n’yo ba kung bakit “Bumbum” ang tawag ni Nadine kay James, “Kasi cute yung pwet niya. Yung iba kasi pag nagdyi-gym, kasi di ba maumbok (yung pwet), yung sa kanya medyo conservative.”

Tinanong din ang magdyowa kung sabay at magkatabi silang natutulog, tugon ni Nadine, “Sa shoot ganu’n, sa service.” Sundot na tanong ni Vice Ganda, “Magkasama na kayo sa isang house,” na sinagot ni Nadine ng, “Punta-punta lang.”

Pero nang humirit pa si Vice ng tanong kung pwede silang mag-sleepover sa bahay ng isa’t isa, mabilis na sagot ng dalaga, “Hmmmm, next question!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending