Sa botong 203-0 at walang abstention, inaprubahan ang House bill 6779 kaya kikilalanin na rin ang paghihiwalay na pinayagan ng Simbahang Katolika, protestante at iba pa.
“Once this bill becomes a law, a declaration of nullity decreed by the Church will hold as much weight and have the same effect as a civil annulment. This removes the burden of undergoing the civil annulment process,” ani Leyte Rep. Yedda Romualdez, may-akda ng panukala.
Sa kasalukuyan, ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines na nakabase sa Sharia, o Islamic law ang kinikilala ng estado na maaaring maghiwalay ng mag-asawang ikinasal.
“Recognizing the civil effects of church annulment decrees will address the need to ensure that those who find themselves in such a difficult marital situation will have the benefit of a more efficient and affordable procedure that can help ease their conscience and may permit them to move on in freedom from a truly irreparable relationship,” ani Romualdez.
Nauna rito, nagdesisyon si Pope Francis na simplehan ang proseso ng pagkansela ng isang kasal sa Simbahang Katolika.
MOST READ
LATEST STORIES