P265M jackpot ng Ultra Lotto bukas

Inaasahang aabot sa P265 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 bukas.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa P257.2 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo ng gabi.
Lumabas sa huling bola ang winning number combination na 09-49-47-43-16-42. Umabot sa P38 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Limang mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero ang nanalo ng P280,000.
Tig-P2,910 naman ang napanalunan ng 523 mananaya na nakakuha ng apat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 14,602 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...