Nadine natalbugan na ang kapayatan ni Kim; James lumalaban sa eyebags ni Daniel

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

NAG-GUEST ang magkalabtim na sina James Reid at Nadine Lustre to promote their forthcoming concert sa Tonight With Boy Abunda kamakailan.

That time, kasing-init nang paglipat ng Bulkang Mayon from Albay to Naga ang isyung pinag-uusapan sa social media sa ipinost ng direktor na si Antoinette Jadaone sa pag-pak-up ng shooting ng ginagawa niyang movie with JaDine.

Nagpaliwanag si Nadine what’s the real score sa hindi nila pagsipot ni James sa shoot ng movie nila. Inamin niyang isa siya sa dahilan kung bakit nakansel ang huli nilang shooting dahil sa kanyang pagkakasakit. Pero sa pagkakaalam namin, okay na ang lahat sa pagitan ng magkalabtim at ni direk Antoinette.

In fairness, sweet na sweet pa rin sina James at Nadine. Very obvious na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Napakaseksi rin ng suot niya that night. Pansin lang namin, parehong payat at mukhang ngarag ang reel-and-real life lovers.

Humahabol na sa laki ng eyebags ni Daniel Padilla ang mga mata ni James dahil nga mangitim-ngitim na ang itsura nito. Habang tinalo naman ni Nadine si Kim Chiu sa kapayatan, huh!

 

Read more...