Mocha tinawag na peke ni DJ Mo, niloloko raw ang publiko

MOCHA USON AT MO TWISTER

WHEN Mocha Girls ranted against Enchong Dee for his “Makauwi nga sa probinsya ko…balita ko may bago kaming bulkan,” the actor took a SUBTLE swipe at their, “Ano ang tawag mo sa lalaking nangbubully ng babae? BAKLA o SUPOT?” rant.

Posting a video interview of former US president Barrack Obama where he shared what one guy told him, “Sir, you’re entitled to your own opinion but you are not entitled  to your own facts,” ang daming kumampi kay Enchong sa comment section ng isang website.

“E anong tawag sa mga babae na ang dumi ng bibig, nangbubully sa lalaki at homophobic? Asal ta***, walang pinag aralan, mabababang uri or all of the above? Enchong did not call Mocha names. He merely pointed out what she said. That Mayon Volcano is in Naga.”

“Take that, Mocha! Isa ka pang nasa kweba, 2018 na! Mas ginagalang ko si Enchong, at least siya totoong artista. Hindi yung ‘artista’ na ang talent eh leg spreading in public!”

“OA ang pagiging sensitive ni Mocha considering mas masahol pa yung pang bubully nya kay VP Leni.”

“Si Enchong pa ang hater. Masyadong OA ang reaction ng  Mocha girls eh wala namang sinabi si Enchong na masama kay Mocha. Matulog ka na nga dyan, Mocha, nang hindi ka naghahasik ng lagim at kanegahan.”

“Patawa kayung fans ni Mocha, talagang bawal na mag express ng opinion ang tao no? Ganon naman kayo pag babae pinatulan ng lalaki bakla na agad, ginagamit nyo ung issue ng gender para makuha nyo ung simpatya ng tao kahit mali.”

Even Mo Twister took a swipe at Mocha by posting her video in which she stated the reason for returning the award given to her by UST Alumni Association.

“Can you spot the difference? When a person has an agenda, especially one of running for office, they activate this bullsh***t speaking cadence. Their voices change. Tone and tempo. It’s all horsesh***t.

“Take these two clips. They are somewhat saying the same thing except for the way it’s being said — and that Mayon is in Naga. You are all being politically bullsh***tted on by the ‘fake and new’ @mochauson,” came Mo’s caption.

Maraming nag-react in favor of Mo.

“Hay nakaka high blood na sa mga news makapag bakasyon nga sa Las Vegas sa bansang Istanbul! Tara Mocha sama ka,” said one guy.

“It’s not just a simple mistake mam. It’s a mistake wherein isang sorry lang okay na lahat. For goodness sake, Asec sya! And these posts clearly reeks how fake she is,” said another guy.

Binasag naman ito ng isang maka-Mocha and said, “Inggit ka yata @djmotwister bat di mo alagaan anak mong may sakit? $200 pa rin ba binibigay ng nanay mo sa anak mo?”

Ura-uradang sinagot ito ng fan ni Mo who said, “Ano naman nakakainggit doon? You don’t get what he is trying to imply. The two face of Mocha, that being said for sure may agenda sya. If she really thinks she deserves the award then why return it? She cant take the hate coming from her fellow Thomasians, na dapat proud pa nga sila eh. But then marami ang hndi ang proud, does it make sense why?”

q q q

Kinabog nang bonggang-bongga ng La Luna Sangre episode noong Miyerkules ang kalaban nito.

Ayon sa Kantar Media, pinanood ng mas maraming viewers nationwide ang madamdamin at maaksyong paghaharap nina Malia (Kathryn Bernardo) at Tristan (Daniel Padilla) kaya naman pumalo ang episode sa national TV rating na 30% kumpara sa 17.8% lang ng kalaban.

Marami ang napa-react sa naiiba at tila wala ng pusong si Tristan na hindi natinag sa yakap at pagsusumamo ni Malia. Umigting pa lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang saktan nito ang dating iniibig. Bagama’t iniwan niya ang Bagong Itinakda nang buhay, pinagbantaan naman niya ito sa paparating na digmaan.

 

Read more...