Luis sa basher: Te, wag aanga-anga…gamitin ang utak!

 

OOOPS, he did it again! Muling pinatikim ng knock out punch ni Luis Manzano ang isang basher na kumuwestiyon sa kanyang sincerity kay Jessy Mendiola.
Nag-post ang TV host-comedian ng photo nila ng kanyang GF sa Instagram na may caption na: “I can no longer imagine vacations without you. You make everything so much more beautiful.”
Isang netizen na na may handle name na @mariabasha_10 ang nagkomento na pakasalan na ni Luis si Jessu para patunayan na totoong mahal niya ang aktres. Sinundan pa niya ito ng pang-asar na, “Pag sawaan nya ang naging girlfriend nya taz palitan uli.”
Sagot naman ni Luis, “Te, bakit ako mag aajdust sa yo? Wag aanga anga… Te, 2018 na, gamitin ang utak, wag puro nega , baka slightly used palang utak mo ha, sayang.”

Read more...