Magnitude 4.9 lindol sa Surigao del Sur

    Niyanig ng magnitude 4.9 lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:19 ng umaga.
    Ang sentro ng lindol ay 20 kilometro sa silangan ng Marihatag. May lalim itong 16 kilometro.
    Nagdulot ito ng Intensity II sa Bislig City.
    Walang inaasahang aftershock at pinsala ang lindol na ito.

Read more...