Dating astig na male personality nakarma, wala nang career


MABIBILANG pa sa mga daliri sa kamay ng aming source ang isang kuwentong hindi nito akalain na magaganap sa buhay at career ng isang kilalang lalaking personalidad sa telebisyon.

Ang kuwento ay pinamagatan nitong “Ang Nilagang Mais, Bow.” Ang bumibida sa kuwento ay isang male personality na nakilala sa isang programang pinalad na magkaroon ng magandang rating, meron siyang ka-partner sa show, isang kilalang female TV personality na aktibo pa hanggang ngayon.

Kuwento ng aming source, “Awang-awa ako sa kanya nu’n. Nakita ko siyang maraming dala-dalang papeles, mag-a-apply siya sa isang network. Pero lulugu-lugo siyang lumabas ng building, hindi siguro siya natanggap.

“Pagkatapos, e, nagpunta siya sa canteen ng network, pumili siya ng oorderin niyang food. Pero isang nilagang mais lang ang hawak niya nu’ng maupo sa isang table.

“Para siyang nakatanaw sa malayo, parang wala na siyang pag-asa sa buhay, parang kinakain niya ang mais nang lumilipad ang isip niya. Natapos niyang kainin ang nilagang mais, kumuha siya ng tubig sa isang communal water jar.

“Naupo siya uli, malayo pa rin ang tingin niya, kahit nakasalamin siya, e, makikita mong parang pinapanawan na siya ng hope. Nakakaawa naman siya, napakailap sa kanya ng kapalaran, wala na siyang work.

“Dati, e, brusko ang male TV personality na ‘yun, kilalang-kilala siya, hanggang sa nagsarado na ang show nila ng partner niya. Kasabay pala ‘yun ng paghihiwalay na rin nila,” kuwento ng aming source.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagiging aktibo ng partner niya, napapanood pa rin ngayon ang babae sa pagbabalita sa network nito, ang lalaki lang ang napag-iwanan.

“Umiikot talaga ang mundo. Akalain mo ‘yun? Dati siyang laman ng radyo at TV nu’n, pero ngayon, e, parang wala nang nakakakilala sa kanya?

“Anong karma ba ang umabot sa kanya? Ang pangalan niya, e, name ng isang kilalang restaurant ngayon, pero hindi naman siya ang owner! Nakakaawa naman siya,” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilala n’yo siya, sikat ang show nila ng partner niya nu’n, may AND pa nga ‘yun sa title. Getlak n’yo na?

Read more...