Gabbi Garcia nagpaka-fangirl sa sikat na American model


FACE to face ang encounter ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa American model na si Gigi Hadid nitong nakaraang biyahe sa Tokyo, Japan ng Kapuso actress.

Inimbita si Gabbi ng isang global brand ng make up kung saan present si Gigi. Sinamantala na niya ang pagkakataon upang magkaroon ng photo-ops sa modelo.

Nagpasampol naman ang Kapuso actress ng isang casual chic look habang waiting sila kay Gigi. Ang event na dinaluhan ni Gabbi ay para sa #GigiXMaybelline party.

Ngayon, after magpagaling sa kanyang sakit, ay back to work na siya para sa taping ng Sherlock Jr na bukas, Lunes, ang pilot telecast.

 

Read more...