Angelica sa mga ahas: Pag may relasyon na, wag nang agawin! Ano, mauubusan ng lalaki?

TULOY-TULOY ang mga hugot moments ni Angelica Panganiban sa kanyang #AskAngelica show sa YouTube na patok na patok ngayon sa mga netizen dahil sa mga nakakaloka at nakaka-inspire na mga payo niya tungkol sa usaping pag-ibig.

Kamakailan, muling humugot ang aktres na may kinalaman sa mga ahas o mang-aagaw na siyang nagiging sanhi ng pagkasira ng mga relasyon. Aniya, “Tigilan niyo ‘yung may mga asawa, tigilan niyo ‘yung may mga karelasyon na. ‘Pag may ka-relasyon na, huwag n’yo pilitin sirain.

“Maghanap kayo ng iba. Ang daming lalaki, ang daming babae. Huwag n’yong guluhin ‘yung mga taong masasaya. Ano, nagkaubusan ng lalaki? Pag may relasyon na, may relasyon na! Huwag niyong inaagaw,” payo pa ng aktres.

Muli, pinaringgan ni Angelica ang kanyang ex-boyfriend na inahas daw sa kanya, “Tapos kung makapag-post kayo, akala niyo mga wala kayong sinaktan. Kunyari masaya kayo, e ‘di wow! Parang hindi ka inagawan. Excuse me, ha! Inagaw mo lang ‘yan sa ‘kin! Tapos ikaw pa ang proud. Tigilan niyo ‘yan.”

Bago ito, pinasaringan na rin ni Angelica ang dati niyang dyowa at ang bago nitong karelasyon, “Unang-una, hindi ako pinalitan. Pinilit, e. Pinilit sirain ‘yung relasyon, kaya may galit.” Marami ang naniniwala na patama ito sa kanyang ex na si John Lloyd Cruz at sa GF nitong si Ellen Adarna.

Tungkol naman sa trust issue, hinding-hindi na raw pagkakatiwalaan ni Angge ang taong sumira na rito,
“Never. Iyon ang sagot ko. Never talaga. Kasi, trust ‘yan, e. So, iyon nga, hindi sila nag-trust. Kaya iyon ang kinalabasan. Tapos bibili sila ngayon ng mga gamit pambata!”

q q q

Diretso ring sinabi ni Carlo Aquino na kung may ex-girlfriend siyang babalikan, malamang si Angelica Panganiban din daw.

Nang tanungin kasi ng ilang members ng press si Angelica sa mediacon ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” kung sino sa mga ex niya ang pwede niyang balikan, si Carlo ang sinagot niya na i-kinakilig ng kanilang mga fans.

Kahapon sa presscon naman ng bagong movie ni Carlo na “Meet Me In St. Gallen” kasama si Bela Padilla, sinabi ng binata na single na single na uli siya matapos silang maghiwalay ng kanyang GF three months ago. Tinuksu-tukso siya ng media kay Angelica at baka nga sila raw talaga ang meant to be.

Sabi ni Carlo, wala naman daw imposible sa mundo, hintayin na lang daw ng publiko kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Pero aniya, napa-kaganda raw talaga ng friendship nila ni Angelica at yun ang tine-treasure niya.

Minsan nga raw nang magkita sila ni Angelica sa ABS-CBN biniro niya ito ng, “Wow! Ganda, a!” Sagot daw ni Angge, “Yan ang pinakawalan mo!”

Samantala, showing na sa Feb. 7 ang bagong pelikulang paghuhugutan n’yo ng emosyon at inspirasyon pagdating sa lovelife, ang “Meet Me In St. Gallen” sa direksyon ni Irene Villamor mula sa Spring Films at Viva Entertainment.

In fairness, talagang pumunta pa ang production sa Switzerland para sa ilang highlights ng movie kaya naman siguradong mabubusog na naman kayo sa magagandang tourist spots. Basta promise nina Carlo at Bela hindi ito isang typical romcom movie na magpapaiyak at magpapatawa sa manonood.

Read more...