Horoscope, January 27, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating kung payapang lagi ang kalooban. Iwasan ang kumplikadong pag-iisip matutong mag-relaks. Sa pag-ibig laging unawain at pagpasensyahan ang kasuyo upag mapanatili ang isang masaya at pang habang buhay na relasyon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2018 tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madaling umunlad ang inyong kabuhayan. Ito ang tamang panahon upang mag-isip ng dagdag pang pagkakakitaan. Malad ang 1, 10, 19, 25, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Hindi mo ba napapansin mabilis na nauubos ang pera? Ilunsad na ngayon ang malawakang pagtitipid. Kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid din upang mas madali kayong umunlad at yumaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Om.” Green at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Makuntento sa kasalukuyang buhay, wag maiingit sa mga nakikitang post sa FB. Sa pag-ibig, swak na swak sa iyo ang kasuyong Aquarius wag ng maghanap pa ng iba. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Namo-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Upang wag malungkot, wag mag-expect ng kung ano-ano, kumilos ka lang ng natural. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang darating na pang habang buhay na sa iyong magpapaligaya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito wag matigas ang ulo, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan, mas magiging okey ang inyong suyuan at mas malaking kita ng salapi ang inyong tatabuin. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Om.” Silver at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito higit sa iyong inaasahan ang suwerteng darating. Sa pinansyal patuloy ang paglago ng kinikita. Sa pag-ibig makaka-date mo na rin sa wakas yong isang nilalang na noon mo pa pinapangarap na makasama. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.

Libra – (September 23-October 23) — Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin at dadatnan ng magagandang kapalaran. Kapag lagi kang in love, ganon din ang mangyayari, maraming suwerte at makukulay na karanasan ang magpapaligaya sa iyo bawat araw. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Rama-Om.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Tuloy-tuloy kang uunlad dahil nagagawa mo ang anumang iyong maibigan. Sa pag-ibig, kung isang Cancer ang iyong kasuyo, hindi ka lang uunlad, darating ang araw na kayo ay yayaman. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Green at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito lalo kang susuwertehin kung marunong kang magpatawad. Kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, iwasang maging bulagsak at magastos, upang matupad mo na ang pangarap na sasakyan at sariling lupa at bahay. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal, sariling kalakal na ikaw rin ang may gawa ang magpapaunlad ng inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, gawin mo lang ng gawin ang mga bagay na nagpapaligaya sa iyong kasuyo upang mapanatili ang isang masaya at pang habang buhay na relasyon. Mapalad ang 6, 9, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung may nagawang kapalpakan wag mo na uling uulitin pa baka dumating ang araw na wala ng magtiwala sa iyo. Habang pinagbubuti ang buhay, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Wag lokohin ang kasuyong Libra, dapat lang na maging tapat at maging mabait ka sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, dati pa rin – kapos at patuloy ang pangungutang. Kailangan mo ang isang Capricorn upang makaahon ka na sa kahirapan. Mapalad ang 4, 19, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Yellow at orange ang buenas.

Read more...